Thank you, Kamikazee!

4:39 AM Unknown 0 Comments



" Ito na ang ating huling sandali. Di na tayo magkakamali. Kase wala nang bukas, sulitin natin, ito na ang wakas.. " :(



It took me how many days to decide if wether I should or should not post this; just because I know that it will make me emotional again. Yes, I am a big fan of this band and it literally breaks my heart to see them go separate ways. :( I honestly thought I wouldn't be able to come to their concert because when me and my friends were about to buy some tickets, it was already sold out. (well the floor was sold out and we want to be that close to them) so sabi namin, sige okay na lang na kahit sa upperbox basta mapanuod. But then naalala ko na baka pwede kaming mabigyan ng passes nung friend ng mom ko kase baka siya maghahandle nung lights and sounds. And yep, good thing I asked my mom to ask her friend, and yes he gave us passes! ALL ACCESS! huhu.

My mom asked me if paano daw ako naging fan ng Kamikazee kase parang hindi naman daw ako ganon kahilig sa pinoy bands talaga since ang nakikita niya na kinaaadikan ko talaga is bands like 1D, 5SOS and Maroon 5. But yeah, surprise ma. I'm a huge fan of OPM too. Especially Kamikazee, PNE and Silent Sanctuary. Aaminin ko, dati hindi. Nag start lang talaga ko mahilig sa kanta nila nung naging kami nung ex ko nung 2011. Pero naririnig ko na talaga mga kanta nila before and nagugustuhan ko talaga. Pero di nga lang tulad nung naging kami na halos mga kanta nalang nila pinapakinggan ko. Dun ko na-realize na iba parin pala talaga OPM. 









Oo, may mga memories talaga ko sa mga kanta ng Kamikazee. Kaya siguro nung concert nila, maluha-luha talaga ko at paguwi namin naiyak na talaga ko. Sobrang solid ng mga kanta nila. Sobra. Yung parang sayo talaga kinakanta kase tamang tama ka. Nakakalungkot isipin na hindi na madadagdagan mga kanta nila. Ang sakit :( Relationship namin nung ex ko noon parang maipapasok mo talaga mga kanta nila sa story namin. Girlfriend, Martyr Nyebera, Halik, Tagpuan, Huling Sayaw, Director's Cut... Hinding hindi ako magsasawa na pakinggan mga kanta niyo.

Maraming salamat Kamikazee sa solido niyong musika! Mahal namin kayo. <3




0 (mga) komento: